-- Advertisements --

Iniimbestigahan umano ng NASA ang umano’y pag-access ng isang astronaut sa bank account sa dati nitong asawa mula sa International Space Station (ISS).

Ang nasabing astronaut ang kauna-unahang tao na iniimbestigahan dahil sa krimen na umano’y isinagawa sa kalawakan.

Una nang inamin ni Anne McClain na kanya ngang in-access ang naturang account mula sa ISS ngunit itinangging may nagawa itong pagkakamali.

Sinasabing naghain ng reklamo ang dati nitong asawang si Summer Worden sa Federal Trade Commission.

Mula noon ay nakabalik na sa Earth si McClain.

Ayon sa abugado ni McClain, tinitiyak lamang daw ng astronaut na walang problema ang pananalapi ng pamilya at mayroong sapat na pera para sa mga bayarin at sa anak ni Worden.

“She strenuously denies that she did anything improper,” wika ng abugado ni McClain na si Rusty Hardin.

Nakipag-ugnayan na raw ang Office of Inspector General ng NASA sa dalawa hinggil sa isyu.

Sang-ayon sa legal framework, saklaw ng national law ang sinumang mga indibidwal at anumang mga pag-aari sa kalawakan.

Ibig sabihin, sakaling may pagkakasala ang isang American national sa kalawakan, masasakop ito ng batas sa Estados Unidos. (BBC)