-- Advertisements --

Hinikayat ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang mga mamamayan na bumisita sa International Space Station.

Ayon sa US space agency, simula 2020 ay maaari ng makapunta ang mga turista sa kalawakan sa halagang $35,000.

Binuksan kasi nila ang orbiting station sa mga turista sa mga negosyanteng interesado.

Sinabi ni Robyn Gatens ang deputy director ng ISS, na mayroong dalawang maikling private astronaut mission kada taon ang ilalaan nila.

Ang mga private astronauts ay papayagang bumiyahe sa ISS ng hanggang 30 araw lulan ng US spacecraft.

Nararapat aniya ang mga interesado ay dumaan sa medical at training requirements para sa spaceflight.

Dalawang kompaniya naman ang inarkila ng NASA at ito ay ang Dragon Capsule ni Elon Musk at ang spacecraft na gagawin ng Boeing na Starliner.

Noong 2001 ay nagbayad ng $20 million sa Russia ang US businessman na si Dennis Tito para sa round trip sa kalawakan.