Kinansela ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang paglunsad ng most-powerful rocket na Artemis 1 Moon rocket dahil sa banta ng tropical storm Ian na posibleng maging hurricane.
Ang nasabing rocket ay nakatakdang ilunsad sa Kennedy Space Center sa Florida sa darating na Setyembre 27.
Ito na ang pangalawang beses na naantala ang panglunsad ng nasabing rocket.
Noong Agosto kasi ay kinansela ang paglipad nito dahils a technical na problema.
Ang Space Launch System (SLS) vehicle ay dinesensyo para makapagpagdala ng astronauts at kagamitan sa buwan matapos ang 50 taon.
Ayon sa NASA na mangangalap din sila ng datus at analysis mula sa buwan.
Balak din ng nasabing space agency na magpadala ng mga unmanned capsule Orion na pabalik sa buwn at sa 2025 ay target nilang magpadala ng astronauts pabalik sa buwan.