-- Advertisements --

Inanunsiyo ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na kinansela muna ng launch director Charlie Blackwell-Thompson ang nakaplano ngayong araw na paglulunsad ng giant moon rocket na Artemis I dahil sa engine bleed issue.

Ang Space Launch System (SLS) rocket ay sinasabing nasa “stable configuration” habang tinatrabaho na ng mga inhinyero ang pangangalap ng data upang makita kung ano ang naging problema.

Artemis 1 NASA

Ilang sandali na lamang bago ang rocket launch nito dakong 08:33 Florida time (13:33 BST) nang inanunsiyo ng NASA ang kanselasyon matapos na mabigo ang mga engineers na ma-troubleshoot ang problema sa engine.

Ayon sa NASA astronaut na si Derrol Nail ang next available opportunity para sa rocket launch ay sa September 2 pero depende pa rin kung maayos na ang isyu sa makina.

Ito ang unang planned unscrewed test flight sa Artemis program ng NASA na 98 foot tall stack na binubuo ng Space Launch System rocket at Orion spacecraft at unang hakbang para muling makabalik ang tao sa lunar surface makalipas ang 50 taon.

Una rito, sinabi ng NASA na inaasahang magtatagal ng 42 araw ang paglalakbay ng Artemis patungo sa buwan at pabalik sa mundo o kabuuang 1.3 million miles (2.1 million kilometers).

Ang capsule ng rocket ay inaasahang babagsak sa Pacific Ocean off coast ng San Diego sa October 10.

Bagamat wala itong lulang tao, mayroon namang sakay na tatlong mannequins na pinangalan na Commander Moonkin Campos, Helga at Zohar para sukatin ang deep space radiation future crews at masuri ang bagong suit at shielding technology at may sakay din na plush Snoopy toy bilang zero gravity indicator sa may Orion ng naturang rocket.

Matatandaan na noong July 21, taong 1969 ang Apollo 11 na isang American spaceflight ang kauna-unahang nakarating sa buwan lulan ang kauna-unahang tao na nakatapak sa buwan ang American Astronaut na si Neil Armstrong kasama ang lunar module pilot na si Buzz Aldrin.