-- Advertisements --
Mariing itinanggi ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Acosta ang mga alegasyon ng isang grupo laban sa kaniya at sa iba pang opisyal ng kanilang tanggapan.
Hinala ni Acosta, nanggaling ang mga pag-atake sa kaniya mula sa mga dati nilang nasagasaan dahil sa paglaban sa mga nagsusulong ng Dengvaxia.
Naniniwala kasi ang pinuno ng PAO na ang nasabing bakuna ng Sanofi Pasteur ang sanhi ng pagkamatay ng mga batang naturukan nito.
Una rito, isang Wilfredo Garrido Jr. ang naghain ng reklamo kay Acosta sa Office of the Ombudsman dahil sa isyu ng katiwalian.
Pero mula nang maihain ito noong Mayo ay wala pang development sa kaso.