TUGUEGARAO CITY – Nais malaman ni Atty. Egon Cayosa, incoming president ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), kung sino ang nagpahintulot na magsagawa ng press conference si Joemel Advincula o alyas “Bikoy†sa kanilang tanggapan.
Sinabi ni Cayosa na maging siya ay nagulat nang makarating sa kanya ang impormasyon dahil wala siya sa lugar nang mangyari ang press conference.
Kasabay nito, nilinaw ni Cayosa na hindi nila kunukupkop si Advincula kung saan kahapon lang ito pumunta sa IBP para himingi ng tulong legal para sa pagsasampa niya ng kaso kaugnay sa rebelasyon na sangkot sa illegal drug trade ang pamilya Duterte.
Subalit wala pa aniyang desisyon ang IBP kung pagkakalooban ng free legal assistance si Advincula.
Kasabay nito, aminado si Cayosa na tila nababahiran ng politika ang IBP dahil sa pangyayari kahapon sa kanilang mismong tanggapan.
Gayunman, iginiit niya na wala silang kinalaman sa expose ni Advincula at umaapela siya sa lahat na huwag gamitin ang IBP sa mga bagay na labas sa kanilang hangarin na pagbibigay ng tapat na serbisyo sa kahit na sinuman.