-- Advertisements --

Inanunsiyo ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang plano nilang maglunsad ng dalawang scientific mission sa planetang Venus.

Maisasakatuparan aniya ang plano sa pagitan ng 2028 at 2030.

Nagkakahalaga ang $500 milyon sa paggawa ng dalawang mission na tatawaging DAVINCI+ (Atmosphere Venus Investigation of Nobel Gases Chemistry and Imaging) at VERITAS ( Venus Emmissivity, Radio Science, InSAR, Topography and Spectroscopy).

Susukatin ng DAVINCI+ ang composition ng dense Venusian atmospehere para maimprove kung paano ito ma-evolved habang ang VERITAS ay tutulong sa geological history.