Nababahala ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) dahil sa magkakasunod na pagdating ng mga bagyo sa West Pacific partikular na sa Pilipinas na siyang inilarawan ng ahensya bilang ‘unusual sight’.
Sapagkat aniya nangyayari ang Typhoon season sa West Pacific sa buwan ng Mayo at Oktubre lamang.
Ayon naman sa Japan Meteorological Agency ang magkakasunod na pagdating ng bagyo nitong buwan ng Nobyembre sa karagatang pasipiko partikular na sa Pilipinas ay naitala bilang ‘first time’ sa kasaysayan simula noong 1951 kung saan naitala rin ang sunud-sunod na pagdating ng mga bagyo sa Pacific basin.
Kung maalala halos magkakasunod lamang na pumasok ang mga nagdaang bagyo sa landmass ng Pilipinas, kabilang ang bagyong ‘Marce’, na siyang tumama sa bansa noong Nobyembre 7, makaraan lang ang apat na araw nang pumasok naman ang bagyong ‘Nika’ na siyang puminsala sa probinsya ng Aurora.
Noong araw ng Huwebes ng nakaraang linggo sa buwan parin ng Nobyembre nang pumasok at manalasa ang bagyong ‘Ofel’ kung saan libu-libong mga residente ang inilikas sa Northern Luzon.
Samantala, iniulat naman ng state weather bureau ang pagpasok ng panibagong bagyong ‘Pepito’ na asahan na mananalasa sa Bicol, Central Luzon at Metro Manila na posible pa nga raw lumakas bilang super typhoon.
Sa isinagawang assessment report ng United Nation (UN) humanitarian coordinator sa Pilipinas sa nakalipas na mga buwan ay umabot na sa 207,000 na kabahayan ang napinsala ng mga magkakasunod na bagyong dumaan sa Pilipinas kung saan 700,000 na mga indibidwal ang patuloy na nanatili sa mga evacuation center.