-- Advertisements --

Naglabas pa ng ibang imahe ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) na kuha ng James Webb Space Telescope mula sa kalawakan.

Sinabi ni NASA administrator Bill Nelson na bawat imahe ay isang bagong pagtutuklas.

Magbibigay aniya ito ng pagkakataon sa mga tao na makita ang sandaigdigan ng mga imahe na hindi pa nakikita noon.

Isa sa mga bagong imahe ay ang water vapors sa atmosphere ng faraway gas plante.

Ang primary mirror ng webb ay may lawak na mahigit 21 talampakan na gawa sa 18 gold-coated mirror segments.

Gaya ng isang camera na ito ay hinahawakan ng isang kamay subalit kailangan maging stable ang posisyon para makakuha ng magandang larawan.