Nagpadala ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng spacecraft patungo sa isa sa mga buwan ng planetang Jupiter.
Ang kanilang Europa Clipper spacecraft ay inilunsad para pag-aralan ang Europa isa sa mga buwan ng Jupiter.
Isinakay ito sa SpaceX Falcon Heavy rocket at lumipad mula sa Kennedy Space Center sa Florida.
Noon pang Oktubre 10 sana isinagawa ang paglipad subalit naantala ito dahil sa hurricane Milton.
Matapos ang isang oras at 10 minuto ay nakatanggap ang NASA ng signal mula sa Europa na nangangahulugan na ito ay nakapasok na sa orbit ng mundo.
Ang Europa Clipper ay magsisilbing unang spacecraft ng NASA na inilaan para sa pag-aaral ng ice-covered ocean world sa solar system.
Kanilang pag-aaralan kung ang nasabing buwan ay puwedeng tumira doon ang mga tao.
May dala itong siyam na instrumento at gravity experiments para imbestigahan ang dagat sa pagitan ng makapal na yelo ng Europa.
Ang tubig sa nasabing buwan ay mas doble ang laki nito kumpara sa karagatan sa mundo.
Nagkakahalaga ito ng $5.2 bilyon na nagsimulang buuin noong 2013 pero ang nagkaroonng malaking hamon at aberya ang mga pagtatangkang paglunsad nito.
Ang nasabing spacecraft ay magbabiyahe ng 1.8 bilyon milya at ito ay inaasahang makakarating sa Jupiter ng Abril 2030.
Habang ito ay nasa biyahe ay dadaan ito sa Mars at Earth gamitang gravity ng bawat planeta para makatulong sa makatipid ng gasolina ang nasabing spacecraft.
Itinuturing din na ito ang pinakamalaking spacecraft na ginawa ng NASA para sa isang planetary mission dahil ang Clipper ay may habang 100 talampakan.