-- Advertisements --

Nagbabadya ang mahigit-kumulang P1 umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa ilang mga importante, asahan ang P1 hanggang P1.05 kada litrong taas-presyo sa diesel.

Posible nang umabot sa P0.80 hanggang P0.90 ang magiging dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang sa kada litro ng kerosene, maaaring pumalo ang presyo nito sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro.

Ayon sa mga eksperto, nag-umpisa na ang bawas sa produksyon ng langis sa Saudi Arabia at iba pang bansa kaya sumirit na rin ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Sinabayan rin daw ito ng patuloy na pagsadsad ng imbentaryo ng langis ng Estados Unidos.