TOKYO – Aabot sa 20 business agreements na nagkakahalaga ng halos P300 billion o $4.5 billion ang nakatakdang lagdaan ng Pilipinas at ng iba’t ibang Japanese firms.
Sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, bahagi ito ng gagawing pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Nikkei’s 25th International Conference on The Future of Asia sa darating na Huwebes at Biyernes.
Ayon kay Lopez, aabot sa may 80,000 trabaho ang maaaring malikha ng nasabing business agreements.
Inihayag ni Sec. Lopez na ang mga investment pledges ay may kinalaman sa infrastructure, manufacturing, electronics, medical devices at business process outsourcing (BPO).
Maliban dito, kabilang din sa inaasahang lalagdaang business agreement ang para sa sektor ng enerhiya, transportasyon, automotive, food manufacturing at marine manpower industries.