-- Advertisements --

BOMBO NAGA- Aabot sa mahigit P340,000 na halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Poblacion, Zone 1, Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Omer Suarilla alyas Waming, 42-anyos, isang barangay tanod at dating miyembro ng Philippine Army.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Junny Cris Curba, hepe ng Del Gallego Municipal Police Station, sinabi nito na matagal na rin nilang minamanmanan ang suspek bago ang operasyon.

Kaugnay nito, nakumpiska sa suspek ang isang knot tied transparent plastic bag ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 50 grams.

Dagdag pa nit Curba, itinuturing na high value target ang nasabing suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.