-- Advertisements --
Pinagsisira ng Department of Trade of Industry (DTI) ang nasa halos 10,000 na mga electrical appliances na mga nakitang substandard.
Ayon sa Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI na karamihan sa mga appliance ay walang kaukulang certificate na delikadong gamitin sa mga kabahayan.
Ang nasabing mga appliances ay nagkakahalaga ng mahigit P7 milyon na kanilang nakumpiska sa iba’t-ibang pamilihan sa bansa.
Sinabi ni Atty. Marimel Porciuncula OIC Director of DTI- Fair Trade Enforcement Bureau na kanilang sinampahan na ng kaso ang mga may-ari ng iba’t-ibang establishimento.
Mula pa noong Abril ng nakaraang taon ay nakakumpiska na ang TI ng mahigit P340-milyon na halaga ng substandard na mga produkto.