-- Advertisements --

NAGA CITY- Tinatayang aabot sa mahigit kumulang P800,000 pesos ang tinamong pinsala sa naitalang sunog sa Brgy. Triangulo, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FCI Emmanuel Ricafort, Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Naga, sinabi nito na overheated electric fan ang pinagmulan ng nasabing sunog.

Aniya, ito na ang ikaanim at pinakamalaking naitalang insidente ng sunog sa lungsod ng Naga ngayong taon.

Una dito, tatlong establisyemento ang nasunog kung saan nadamay lamang ang dalawang katabi nito.

Nabatid din na light materials ang katabing establisyemento kung kaya mas naging mabilis ang pagkalat ng apoy.

Samantala, wala namang naitalang nasugatan o nasaktan sa naturang insidente.

Sa ngayon, panawagan na lamang nito sa publiko na maging fire safety conscious lalo na ngayong buwan ng Marso.