-- Advertisements --

Natuwa ang NASA dahil walang anumang damyos ng makalapag sa planetang Mars ang Perseverance rover.

Ilang minuto kasi bago ito nakalapag ay agad na nagsagawa ng checkup sa rover at wala naman anumang nakitang problema nito.

Kasama ng rover ang itinuturing na unang helicopter fly na lumipad sa ibang planeta.

Iikutin nito ang Jezero Crater ang tinaguriang sinaunang lawa na nakitang 3.9 bilyon taon na ang nakaraan.

Pag-aaralan din dito ang microfossils sa mga bato at lupa doon.

Inaasahan na makakabalik sa mundo ang Perseverance rover sa taong 2030.

Ang nasabing rover ay siyang pinakamabigat na rover ng NASA na may bigat na halos isang metrikong tonelada.

Umabot sa 12,000 miles per hour ang bilis ng paglipad nito at bumagal ng 1.7 miles per hour pitong minuto bago ito matagumpay na lumapag sa tinaguriang red planet.