-- Advertisements --
Target ngayon ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) magdala ng astronaut sa Mars sa 2033.
Sinabi ni NASA administrator Jim Bridenstine, na tila matatapos na ang kanilang exploration sa buwan hanggang 2024 at target na libutin ang planetang Mars.
Kailangan aniya na pag-aralan din ang ibang mga mundo.
Plano din ng NASA makabalik sa buwan pagdating ng 2028.
Umabot na rin sa $11.9 billion ang nagastos na ng NASA sa itinatayo nilang spacecraft na gawa ng Boeing para sa kanilang moon mission.