-- Advertisements --
Umakyat na sa 208 ang mga napaulat na bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng typhoon Odette.
Batay ito sa consolidated report ng Philippine National Police Operation Center (PNP-OC) na ibinahagi ni PNP spokesperson Col. Roderick Alba.
Pinakamaraming nasawi sa Central Visayas na may 129.
Sinundan ito ng CARAGA region na may 41 nasawi at Western Visayas na may 24 na binawian ng buhay.
Nasa pito naman ang nasawi sa Northern Mindanao.
Habang anim sa Eastern Visayas at isa sa Zamboanga Peninsula.
Kasama sa mga dahilan ng pagkasawi ang pagkalunod, nabagsakan ng puno o debris at pagkabaon sa gumuhong lupa.
Samantala, nakasaad din sa datos ng PNP na 239 ang nasaktan dahil sa bagyo habang 52 naman ang nawawala at patuloy pang hinahananap.