-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 500,000 katao ang nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa ng Brazil.

Patuloy pa kasi ang pagkalat ng virus dahil sa patuloy na pagbabalewala sa social distancing ni President Jair Bolsonaro.

Umaabot pa kasi sa 15% na mga may edad ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.

Iniimbestigahan na rin ng mga mambabatas sa Brazil ang mabagal na pagpapabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ipinagpipilitan pa ng Brazilian president na nakakasira ng ekonomiya ang mga lockdown na ipinapatupad at iginiit nito na ginawa niya lahat ang kaniyang makakaya para makabili ng bakuna mula sa ibang bansa.