-- Advertisements --

Pumalo na sa labindalawa ang mga naitatalang nasawi dahil sa dengue na kasalukuyang lumalaganap ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa isang pulong balitaan, ibinahagi mismo ng Philippine Red Cross na nadagdagan ulit ang bilang ng mga namamatay dulot ng mapanganib na sakit.

Ayon kay Chairman Richard Gordon ng Philippine Red Cross, ang ganitong pagtaas ng kaso sa dengue ay hindi umano dapat ipagsawalahang bahala lalo ng publiko.

Giit niya, bukod sa labindalawa (12) kaso ng mga namatay, pumalo na kasi sa higit 1,700 ang rekord ng mga nagkakasakit simula nitong pumasok ang bagong taon.

Dagdag pa rito, pinangangambahan din ang posibilidad na baka umabot nanaman ang talaan ng bansa sa may pinakamataas na kaso ng dengue sa buong mundo.

‘Kung papabayaan natin yan eh baka maabot na naman natin yung mga nakaraang taon na tumaas tayo sa buong mundo. So it’s important for us to advice the public na ang laban sa dengue, there is only one message is tayo mismo ang lalaban sa dengue,’ ani Chairman Richard Gordon ng Philippine Red Cross.

Samantala, kasabay ng dumaraming kaso ng mga naitatalang nagkakasakit, inihayag naman ni Chairman Richard Gordon na dumoble rin ang demand sa dugo mula sa kanilang tanggapan.

Aniya, nakitaan ng higit isan daang pursyentong pagtaas sa mga nangangailangan ng dugo dulot ng matinding epekto ng dengue sa kalusugan.

Dahil dito, mailang ulit na nagpaalala ang naturang chairman sa publiko na panatalihin ang kalinisan sa buong paligid ng tahanan pati na rin tamang pagtatapon ng mga basura upang maibsan ang tuluyang pagdami pa ng mga nagkakasakit.