-- Advertisements --

Umabot na sa 56 katao ang nasawi sa Taiwan matapos dapuan ang mga ito ng H1N1 virus o swine flu sa loob ng tatlong buwan.

Ito ay sa kabila ng kinakaharap na problema ng iba’t ibang bansa dahil sa coronavirus outbreak na nagmula sa China,

Ayon sa Centers for Disease Control (CDC), mayroon ng 10 kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Taiwan ngunit wala pa silang naitatalang namatay dahil dito.

13 katao na ang namamatay dahil sa swine flu. Ang mgma ito ay may edad na 47-97 taong gulang.

Dagdag pa ng CDC, predominant na umano ang swine flu sa Taiwan. “During this season, there have been 771 influenza cases with severe complications since October 1, including 56 deaths.” saad ng tagapagsalita ng ahensya.