-- Advertisements --
Pumalo na sa 356 katao na ang nasawi sa patuloy na airstrikes ng Israel sa Lebanon.
Ayon sa Lebanese health ministry na may ilang mga kabataan at kababaihan ang nasawi sa Bekaa at Ballbek, southern Lebanon.
Umaabot na rin sa 1,246 katao ang nasugatan sa nasabing insdente.
Itinuturing nila na ito na ang pinakamatinding pag-atake ng Israel mula pa noong 2006 na giyera.
Depensa naman ng Israel Defesn Ministry na ang target nila sa nasabing operasyon ay ang mga Hezbollah group na nasa Lebanon.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay sumabog ang mga pagers at 2-way radio sa Lebanon na ang nasabing likod ay Israel.