-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi sa nangyaring stampede sa Astroworld music Festival at ito ay umabot na sa siyam.

Pumanaw na kasi ang 22-anyos na Texas college students na unang itinakbo sa pagamutan nitong Sabado sa Houston, Texas.

Kinilala ang biktimang si Bharti Shahani isang Texas A&M University students na nasawi matapos ang pananatili ng ilang araw sa pagamutan.

Ayon sa abogado ng pamilya na hindi na nakayanan ng biktima ng matinding sugat na kaniyang natamo.

Magugunitang nagkaroon ng stampede habang kumakanta na ang US rapper na si Travis Scott sa Astroworld festival na ikinasugat din ng maraming mga manonood na nasa edad 14 hanggan 27.