Umakyat na sa siyam katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Carina.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroong dalawang sugatan at isa ang naiulat na nawawala.
Ang mga nasawi ay mula sa Zamboanga Peninsula na mayroong apat, mayroon namang dalawa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at tig-isa sa Northern Mindanao at Davao Region.
Isang binatilyon naman ang natagpuang patay matapos malunod sa Infanta Bridge sa Barangay 96 ng Tondo, Maynila.
Nakaapekto naman sa 179,744 na pamilya ang nasabing bagyo o katumbas ng 866,483 na mga katao.
Tinatayang aabot sa P8.7 milyon ang damyos sa agrikultura sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at BARMM habang ang naiulat na damyos sa mga imprstraktura ay nasa P700,000 bukod pa sa mga damyos sa mga kabahayan na nasa P2.5-M.
Dagdag pa ng NDRMMC na ang southwest monsoon ay nagdala ng matinding pag-ulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa mula pa noong Hulyo 11 na pinaigting pa ng bagyong Butchoy at Carina.
Nagpamigay naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P29-M na mga tulong sa mga pinalikas na apektadong pamilya.