-- Advertisements --
Umabot na sa 50 ang bilang ng mga nasawi dahil sa typhoon Ursula.
Sa data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga namatay sa MIMAROPA (7), Region VI (26), Region VII (1) at Region VIII (16).
Maliban sa mga ito, may naitala ring 143 na mga nasugatan.
Lima naman ang hindi pa rin natatagpuan, matapos mawala ang mga ito sa kasagsagan ng bagyong Ursula.
Sa kabuuan 522,560 pamilya o 2,122,581 indibidwal ang naapektuhan sa 2,544 na barangay na nasalanta.
Umabot naman sa 12,364 pamilya o 58,400 katao ang inilikas.
Sa agrikultura at imprastraktura, nasa P1,084,761,546 billion ang halaga ng naging pinsala.