-- Advertisements --

Umabot na sa 50,423 ang nasawi sa ginawang pag-atake ng Israel sa Gaza.

Ayon sa Gaza health ministry an anag nasabing bilang ay mula pa noong magsimula ang kaguluhan noong Oktubre 7, 2023.

Bukod sa nasabing mga nasawing Palestino ay aabot naman sa 114,638 na iba pa ang nasugatan.

Ikinakabahala pa ng mga otoridad sa Gaza ang pagtaas ng bilang ng nasawi dahil sa patuloy ang ginagawang pag-atake ng mga Israel forces sa Gaza.