-- Advertisements --

Pumalo na sa halos 500 katao ang nasawi sa Hajj pilgrimage dahil sa matinding init ng panahon.

Kinabibilangan ito ng 165 Indonesian, 14 Malaysians, 68 Jordanians, 35 Pakistanis, 35 Tunisians, 11 Iranians at 98 Indians.

Mayroong 22 Jordanians ang nasa pagamutan habang 16 ang nawawala pa.

Inaasahan pa na madagdagan pa ang nasabing bilang dahil nasa malubhang kalagayan ang ibang nasa pagamutan.

Ang nasabing pilgrimage ngayon ay sinabayan ng matiding init ng panahon na umabot sa 49 degrees Celsius.

Paliwanag naman ng Saudi Ministry of Health na nag-implementa sila ng mga safety measures gaya ng paglalagay ng mga cooling stations sa mga ruta na dadalo ng pilgrimage.