-- Advertisements --

Umabot na sa 20 katao ang nasawi matapos na manalasa ang hurricane Helene sa Florida.

Ayon sa National Hurricane Center na matapos ang pag-landfall ng hurricane Helene sa Florida ay nagdulot naman ng pagbaha sa malaking bahagi ng Georgia sa Atlanta.

Nagpakalat na rin ng mga 1,000 na mga Georgia Guard Troops si Georgia Governor Brian Kemp para tulungan ang mga residente na makalikas.

Maraming residente pa rin ang nawalan ng suplay ng kuryente lalo na sa malaking bahagi ng North at South Carolina, Georgia, Florida, Ohio, West Virginia, Tennessee at Virginia.

Inaasahan naman ng National Hurricane Center na tuluyang lalayo sa kalupaan ng Atlanta ang nasabing bagyong Helene.