-- Advertisements --
Pumalo na sa 144 katao ang nasawi at 730 ang sugatan ng tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar.
Habang sa Bangkok Thailand ay nasa limang katao ang nasawi at 117 ang nawawala.
Magugunitang tumama ang lindol ng dakong 12:50 ng tanghali sa Myanmar.
Nanawagan naman ang Amnesty International sa ruling military junta ng Myanmar na payagang makapasok ang humanitarian aid sa lahat ng mga lugar na tinamaan ng lindol.