-- Advertisements --
image 308

Isa pang biktima ang nasawi dahil sa mga pinsala matapos ang nakamamatay na pag-atake ng isang matandang gunman sa isang dance hall sa lugar ng Los Angeles, California.

Sa kasalukuyan, 11 na ang bilang ng kabuuang nasawi sa naturang insidente habang iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang sinasabing “selos” na motibo sa likod ng karumal dumal na pamamaril sa lugar.

Kinilala ng pulisya ang 72y/o na si Huu Can Tran bilang suspek sa massacre na naganap sa pagdiriwang mismo ng Lunar New Year sa Star Ballroom Dance Studio sa Monterey Park.

Una rito, walang awang binaril umano ni Tran ang sampung katao na agad na nasawi habang sugatan naman ang sampung iba pang biktima ng nasabing krimen at pagkatapos ay naglakbay sa isa pang dance hall kung saan napigilan ang kanyang pag-atake at kalaunan ay binaril niya ang kanyang sarili sa loob ng isang sasakyan.