Pumalo na sa limang katao ang nasawi dahil sa pag-inom ng alak na may lason sa Laos.
Ang biktimang si British lawyer Simone White ay pang-lima ng turista na nasawi dahil sa hinihinalang mass poisoning .
Una rito ay dalawang Danish na babae na may edad 19 at 20 ang nasawi noong nakaraang linggo habang isang lalaki sa US ang nasawi rin sa Vang Vieng isa sa mga tourist site.
Sa loob ng ilang araw ay nasawi rin ang 19-anyos na Australian national na si Bianca Jones.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na uminom ang mga biktima na may laman na methanol mula sa bootleg alkohol.
Nasa pagamutan naman ang kaibigan ni Jones na si Holly Bowles matapos na makainom din ng nasabing alak.
Binalaan na ng Australian, New Zealand at United Kingdom ang kanilang mamamayan na mag-ingat sa methanol poisoining habang umiinom ng alak sa Laos.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.