-- Advertisements --

Umakyat na sa 193 katao ang nasawi matapos ang naganap na malawakang pagbaha sa Nepal.

Patuloy ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad sa mga lugar na binaha dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Mayroon 31 mga katao rin ang naiulat na nawawala at marami ang nasugatan.

Sinabi ni Ministry of Home Affairs spokesman Rishi Ram Tiwari na prioridad nila ang pagligtas sa mga biktima na naistranded sa iba’t-ibang kalsada.