-- Advertisements --

Ibinaba na sa 253 mula sa dating 359 ang bilang ng nasawi sa serye ng pambobomba noong Easter Sunday sa Sri Lanka.

Ayon sa health ministry ng bansa, na nagkaroon lamang sila ng dobleng pagbilang mula sa mga bahagi ng katawan na natagpuan sa lugar ng pinangyarihan.

Dagdag pa ng health minister ng bansa na mababawasan pa ang bilang kapag natapos na ang mga autopsies at pagsasailalim sa DNA sa mga bahagi ng katawan na kanilang narekober.

Hindi pa rin tinatanggal ang may 3,000 na kapulisan at mga kasundaluhan na ipinakalat sa malaking bahagi ng Sri Lanka para hindi na maulit pa ang insidente.