-- Advertisements --
Umabot na sa limang katao ang nasawi habang 22 ang sugatan matapos ang naganap na terror attack sa isang Turkish aeropspace company sa Ankara, Turkey.
Sinabi ni interior minister Ali Yerlikaya na ang nasabing pag-atake ay kagagawan ng mga Kurdistan Worker’s Party (PKK).
Ang nasabing grupo ay binuo noon pang 1970 kung saan kinakalaban nila ang Turkish government at nanawagan ang mga ito ng pagiging independent state.
Kinondina ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang nasabing insidente kung saan tiniyak niya na papanagutin ang mga nasa likod ng insidente.