-- Advertisements --

Pumalo na sa 180 journalists ang nasawi sa Gaza mula ng sumiklab ang kaguluhan mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ayon sa Government Media Office ng Gaza, na ang pinakahuling mga nasawing journalist ay ang tatlong Palestinian journalist na nasawi dahil sa pag-atake ng Israel.

Dahil dito ay umapela sila sa mga international community na makialam na para hindi lumalala pa ang insidente.

Una rito ay inakusahan ng Israel ang ilang mamamahayag na mga miyembro ng Palestinian armed groups.