-- Advertisements --
Umabot na sa 97 ang journalists na nasawi sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas ayon sa huling ulat ng Committee to Protect Journalists.
Ito na ang itinuturing ng ahensiya na “deadliest period for journalists” simula ng kumalap ito ng datos noong 1992.
Bukod dito, mayroong pang 16 na journalists ang naiulat na nasugatan, 4 ang nawawala, at 25 naman ang inaresto.
Pinag-aaralan din ng CPJ ang hindi pa kumpirmadong ulat na may mga journalists umanong sinasaktan, tinatakot, at sinisira pa ang mga opisina at tahanan ng mga ito.