-- Advertisements --

Umakyat na sa siyam katao ang naitalang nasawi sa pagguho ng 12-palapag na gusali sa Florida.

Sinabi ni Miami-Dade County mayor Daniella Levine Cava na mayroon pa silang nakuhang apat na bangkay mula sa mga gumuhong bahagi ng gusali.

Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ang mahigit 150 katao na natabunan ng pagguho ng gusali.

Gumamit na sila ng mga rescue dogs para mapabilis ang nasabing rescue operations na nasa 4 na araw na.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga kaanak ng mga biktima.

Nagsasagawa na rin ang imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente dahil naiulat nila na noong 2018 ay mayroon ng mga crack na silang nakita mula sa gusali.