-- Advertisements --
Hindi bababa sa 22 Palestinians ang nasawi sa mga airstrike ng Israel sa Gaza nitong Sabado, ayon sa medics.
Ayon pa sa medics, hindi bababa sa 10 katao ang namatay sa isang airstrike malapit sa municipality building sa Deir Al-Balah sa central ng Gaza Strip kung saan nagtipon ang mga tao upang tumanggap ng tulong.
Napatay din sa strike ang pinuno ng Hamas-run administrative committee sa gitnang Gaza, si Diab Ali al-Jaru.
Sinabi ng militar ng Israel na si al-Jaru, na alkalde rin ng Deir Al-Balah, ang target ng strike at tinulungan niya ang mga militanteng Hamas. Apat pang tao ang napatay sa hiwalay na strike sa lugar.