-- Advertisements --

Iniulat ang Hamas government media office na mayroon ng mahigit na 40,000 katao ang nasawi sa Gaza mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang kampanya.

Ayon sa Hamas government na ang nasabing bilang ay hindi pa kasama ang mga nawawala na natabunan ng mga gumuhong gusali.

Nangangahulugan nito na mayroon ng lagpas na 50,000 katao ang nasawi mula noong Oktubre 7 na atake ng Israel sa Gaza.

Bukod pa dito ay mayroong 92,401 na katao ang sugatan kung saan karamihan sa mga dito ay hindi nakakatanggap ng tamang gamutan dahil sa marmaing pagamutan ang nasira na.