-- Advertisements --

bicutan4

Dumating na ang cadaver ng SAF trooper na si PSSg Elenel Pido na napatay sa matinding enkwentro sa Sultan Kudarat sa Maguindanao.


Ayon sa PNP SAF Spokesperson Capt. Camille Tuviera bandang alas-11:15 kaninang umaga ng dumating ang bangkay mula sa Maguindanao at kasalukuyang nakalagak ang bangkay nito sa Mortuary ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Bicutan,Taguig.

Ayon kay Tuviera, ginawaran ng arrival honors ang nasawing police commando pagdating ng bangkay nito dito sa Metro Manila.

Alas-6:00 ng gabi kanina ng gawaran ng funeral honors bago iuwi sa kaniyang hometown sa Tibiao, Antique bukas.


Una ng tiniyak ni PNP SAF Director Maj. Gen. Bernabe Balba ang ibibigay na tulong at suporta ng PNP sa pamilya ng nasawing pulis.