-- Advertisements --
Nakaligtas sa plane crash ang kilalang NASCAR driver at auto racing analyst na si Dale Earnhardt Jr.
Kasama nito ang kaniyang asawa ng bumagsak ang sinakyan nilang private jet sa eastern Tennessee.
Sinabi ni Elizabethon Fire Chief Barry Carrier, na dalawa lamang sila ng asawang si Amy ng bumagsak ang eroplano sa Elizabethon Municipal Airport.
Sa imbestigasyon ay bigla na lamang nawalan ng kontrol ang piloto kaya lumagpas sa runway ang nasabing eroplano.
Agad namang nailabas ang sakay ng mga eroplano bago tuluyang masunog ang Cessna Citation.
Agad na itinigil ng mga otoridad ang operasyon ng paliparan.
Taong 2017 ng nakilala ang 44-anyos na si Earnhardt ang most popular driver na kaniyang hawak sa loob ng 15 taon.