-- Advertisements --

Inilabas na ng mga kapulisan ng Nashville, Tennessee ang suspek sa naganap na suicide bombing nitong araw ng Sabado.

Kinilala ito na si Anthony Quinn Warner, 63-anyos.

Naniniwala ang mga otoridad na pag-aari din ng suspek ang van na kasamang sumabog.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad na maaaring mag-isa lamang ni Waner at wala ng ibang mga kasama pa ito.

Bago pa ang pagsabog ay nag-warning sound na ang van ng 15-minuto na nagsisilbing countdown nito para mag-clear hanggang ito ay tuluyang sumabog.

Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang motibo ng nasabing suspek sa pagpapasabog.