-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Namigay ng pagkain pati na tubig-maiinom ang Port Management Office (PMO) sa Agusan at Global Port Agusan Terminal Inc. sa 125 na stranded na pasahero sa Nasipit Port kahapon dahil sa mga kanseladong byahe na hatid ng Northeast Monsoon at Tropical Depression KABAYAN.

Nakikipag-ugnayan ang Port Management Office sa Municipal Disaster Risk Reduction and Managemant Council o MDRRMC-Nasipit para matiyak namay sapat na pagkain sa mga pasaherong maghihintay sa pantalan simula ngayong araw, Disyembre 18, 2023.

Samantala, may naitala ng paglikas sa mga residente sa Bislig City matapos inilunsad sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang Pre Damage Risk Assessment sa posibleng hatid sa nasabing bagyo.
Ito ay ang mga nasa coastal community sa Caramcam, Market Site, at Dampingan sa Bislig City.

Habang ang lokal na pamahalaan sa Tago sa Surigao del Sur, kasama ang pulisya ay tumulong sa paglikas ng mga residente galing sa coastal area sa Barangay Purisima.

Una nang itinaas ang Red Alert Status sa Probinsya ng Surigao Del Sur, Surigao Del Norte at Dinagat Islands dahil sa aasahang malakas na ulan dahil sa bagyong “Kabayan.