-- Advertisements --

Hindi na nakita pa ang nasairang sapatos ni US College basketball player Zion Williamson.

Sinasabing ang nasabing sapatos ay maaaring magkahalaga ng $25,000 kapag ito ay naibenta sa auction.

Magugunitang suot ito ni Williamson ng Duke Blue Devils at ito ay nasira habang kalaban nila ang North Carolina noong Pebrero 20.

Mismong si dating US President Barack Obama na nanood din ng laro ang nakapansina sa labis na pagkasir ng Nike PG 2.5 na sapatos.

Matapos ang insidente ay pinuntahan ng mga representative ng Nike si Duke coach Mike Kryzewski at doon tinignan ang naging problema ng sapatos.

Maging si Williamson ay hindi na rin alam kung nasaan na ito.

https://youtu.be/QWtObstsKdE

Ayon kasi sa Goldin Auctions ang nangungunang sellers ng sports memorabilia na maaaring maibenta ito sa $250-k.