-- Advertisements --

Ibinunyag ng World Health Organization (WHO) na hindi na operational ang Nasser hospital sa Gaza mula ng magsagawa ng raid ang Israel.

Nitong Huwebes ng lusubin ng Israel Defense Forces ang pagamutan dahil doon umano nagtatago ang mga Hamas.

Hindi naman pinayagan ang WHO na makapasok sa pagamutan para magsagawa sana ng assessment sa kalagayan ng pagamutan.

Ayon kay WHO Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, na pinangangambahan nilang dumami pa ang pagamutan na hindi na mag-ooperate dahil sa ginagawang paglusob ng Israel Defense Forces (IDF).

Magugunitang unang nilusob ng Israel ang Khan Younis sa southern Gaza at may posibilidad na kanilang isusunod ang paglusob sa Rafah.