-- Advertisements --
Pinabulaanan ng National Academy of Science and Technology Philippines ang kumakalat na video online na ang isang opisyal ng naturang ahensiya ay nag-eendorso ng vitamin supplements.
Nilinaw ng ahensiya na hindi konektado si Academician Jaime Montaya sa kompanya ng vitamin supplements at wala itong responsibilidad na i-promote ang produkto.
Ayon sa NAST-PH, ang kumakalat ay isang AI-generated deepfake video at pinag-iingat nito ang publiko laban sa maling impormasyon at posibilidad na maging biktima ng fraud.