Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard at arson investigators sa Palawan, kaugnay sa nangyaring sunog sa isang fishing vessel.
Una rito, nagtulung-tulong ang Coast Guard Station Eastern Palawan, Cuyo Municipal Police Station at mga mangingisda ng Frabelle Fishing Corporation upang apulahin ang sunog sa barkong FV Victory 89 sa katubigang sakop ng Imalaguan Island, Barangay San Carlos, Cuyo, Palawan.
Kabilang din sa inaalam kung may langis pa sa naturang sasakyan na maaaring tumagas.
Isa kasi ang naturang lugar sa mga pangunahing pangisdaan ng mga naglalayag sa Palawan at mga sa mga dumadayo sa West Philippine Sea.
Matapos ang ilang oras na pagaapula ng apoy, ang nasabing fishing vessel ay tuluyang lumubog.
Naglatag din ng oil spill booms ang mga otoridad upang masiguro na maproteksyunan ang kalikasan.
Nabatid na nagtamo ng first degree burn ang dalawang tripulante ng nasabing barko ngunit nasa maayos nang kalagayan.