-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tinatayang aabot sa halagang 100,000 pesos ang nasunog na bigas at palay sa bodega sa Brgy. 28 dito sa lungsod ng Laoag, na pag-aari ni Sangguniang Panlungsod Member Enrico Ang.

Sinabi ni Senior Fire Officer 2 Melben Gappi, Chief Admin ng Bureau of Fire Protection na nakatanggap sila ng tawag kahapon na isang bodega ang nasusunog alas-12:10 ng tanghali at idineklarang fire out sa loob ng halos 5 minuto pagpatay sa apoy.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagsimula ang apoy habang nagwe-welding ngtrusses ng bodega ang mga trabahador na posibleng naging sanhi ng sunog.

Kaugnay nito, ang naiwan sa loob ng bodega ay ang mga nakaimbak na mahigit 200 sako ng bigas at palay at ilan sa mga ito ay tuluyang nasunog.

Bukod aniya, tatlong solar panel din ang nasunog.

Idinagdag niya, apat na fire truck ng Bureau of Fire Protection ang rumesponde kasama ang isa pang fire truck na pag-aari ni Mr. Victor Ang.

Samantala, wala namang naiulat na nasugatan sa sunog at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang eksaktong sanhi ng sunog.