-- Advertisements --

Nagiwan ng masangsang na amoy ang nasunog na cold storage plant noong Enero 20, 2025 sa Fernando Poe Jr. Avenue, Quezon City.

Ayon sa pamunuan ng Barangay Delmonte na si Chairman Leo Pabustan ang naturang masangsang na amoy ay dulot ng mga nabubulok na karne sa naturang planta.

‘Humihingi po sila (Glacier North Refrigeration Services Corporation) ng paumanhin sa lahat po ng mga apektado, lalo na sa amoy ng dinudulot nung nabulok na mga karne,’ paliwanag ng punong barangay sa kaniyang social media.

Bukod dito umabot na kasi sa iba’t-ibang mga barangay ang mabahong amoy ng mga nabubulok na karne na madalas aniya na tatanggap ng barangay.

‘Ang barangay po ay ginagawa ang lahat ng pakikipag coordinate, ang naturang establishimento po ay isang pribado at ‘wala pong karapatan ang barangay na manghimasok sa loob ng kanilang planta,’ saad ni Pabustan para sa mga residente nitong nagtatanong kung ano ang ginagawa ng barangay.

Tiniyak nito na tuloy-tuloy naman daw ang ginagawang pagtatanggal ng mga nabubulok na karne na aabot sa 400 tonelada.

Payo naman ng pamunuan ng barangay na kung maaari ay magsuot ng face Mask ng sagayon makabawas sa nararanasang perwisyo dulot ng masangsang na amoy.

Samantala hindi naman mababatid sa ilang mga residente ng lugar kabilang ang mga apektadong barangay ang nagbigay ng mga reaksyon hinggil sa perwisyong dinulot ng naturang nabubulok na mga karne sa nasunog na planta.

Maaalalang umabot sa higit limang oras nang masunog ang naturang planta na ayon sa Bureau of Fire Protection, umak­yat ito sa ikatlong alarma hanggang sa tuluyan itong maapula at nakagamit ng 10 truck ng bumbero para maapula ang sunog.