-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Natukoy na ng mga operatiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Northern Mindanao ang sanhi ng sunog sa tanggapan ng Misamis Oriental Provincial Health Office noong Abril.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Senior Fire Officer 4 Sam Velarde na upos ng sigarilyo ang dahilan kung bakit nasunog ang gusali, kung saan nadamay ang ilang doses ng Sinovac COVID-19 vaccines.

Nadamay din sa sunog ang katabing tanggapan ng Misamis Oriental Care System.

Batay sa imbestigasyon, ilang upos ng sigarilyo ang nakita sa isang basurahan malapit sa cold storage facility ng mga bakuna.

Kung maaalala, unang pinaghinalaan ng mga opisyal ang faulty electrical wiring na nagdulot ng sunog.

Aabot sa P10-million ang halaga ng danyos na iniwan ng sunog, kabilang na rito ang ilang gusali at gamit sa dalawang opisina. -CJY